Miyerkules, Agosto 30, 2017

Pagibig bang muli?

Dalawang magkasunod na pighati pero mahaba ang pagitan. Halos pareho ang sakit na dulot ng pagkaiwan.

Kaarawan ko noong araw na iyon, halo-halong kaisipan ang nagkakagulo sa isip ko.

Dalawang araw lang ako nagiging masaya, kapag kaarawan ko at araw ng sweldo. Kapag hindi ako nagtrabaho, isang araw na lang ako magiging masaya.

Mabuti na lang at may trabaho ako ng mga panahong iyon. Hindi kasi ako sigurado kung magiging masaya ako sa kaarawan ko. Naisip ko na sa hinaba-haba ng panahon ng pamamalagi ko sa mundo ay wala pang babaeng piniling ipaglaban ako at manatili sa piling ko.

Palagi akong nakangiti, masaya at ni hindi nagpapakita ng kalungkutan sa iba. Kaya ang akala nila ay wala akong pinoproblema. Pero ang salitang "masaya ako" ay ikinukubli ang katotohanang gusto ko ulit makadama ng pag-ibig.

Sabi ko sa Panginoon na gusto ko na ang muling umibig, makakapaghintay ako.

Ang hindi ko alam. . .

Noong buwan ding iyon bago ang eksaktong araw ng kaarawan ko. . .

Dumating ka na pala sa buhay ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento