Sinabi ko sa sarili ko na balang araw ay pupuntahan kita sa probinsiya mo. Hintayin mo akong lumaki upang ng sa gayon ay magkaroon ng sapat na halaga at pagkakataon para masilayan kita ng personal.
Palagi kitang iginuguhit sa kahit anong papel. Sa tingin ko ay nahihiya ang bawat papel na ginuguhitan ko dahil sa kaperpektuhan mo. Para sa akin ay ikaw na ang pinaka, palaging maganda sa kahit anong anggulong maaari kang tignan.
Mula pagkabata hanggang makatapos ako ng dalawang taon sa kolehiyo ay nakasanayan ko na ang ganoon, iguhit at pangarapin ka.
Nagkatrabaho ako, kumita ng pera na alam kong sasapat na para puntahan ka. Subalit kailangan kong isantabi ang pangarap kong iyon dahil napakaraming mas importanteng bagay pa akong dapat pagkagastusan. Pero pangako, pupuntahan kita.
Nagtipid pa ng husto, may sobrang naipon bukod pa sa naibigay ko sa nanay ko na panggastos namin para sa isang buong kinsenas. Subalit hindi ko alam kung papaano puntahan ang probinsiya mo kung saan ka naroroon. Alam ko, naniniwala ako, nararamdaman ko na makikita pa rin kita.
Nagyaya ang tropa, nag-isip kung saan pupunta noong tag-araw na iyon. Napagkasunduan na sa Bicol daw. Teka, iyon ang probinsya kung nasaan ka diba? Eto na ba yun? Makikita na ba kita?
Gabi kami bumiyahe papunta, panay ang tanaw ko sa bintana, baka sakaling makita kita, subalit bigo ako, Hindi sapat ang liwanag ng buwan para ipamalas sa aking mga mata na andoon ka, kung talagang andoon ka nga. dumating kami kinaumagahan sa destinasyon namin na hindi man lang kita nakita kahit saglit lang.
Hindi na ako umasa, malaki ang probinsiyang iyon, siguro ay nasa kabilang bahagi ka, o ayaw mo lang talagang magpakita sa akin.
Masaya kaming bumiyahe pauwi, baon ang mga ala-ala ng malaparaisong naggagandahang isla ng probinsiya mo. Subalit alam kong may kulang, hindi kita nakita.
Sa kalagitnaan ng pag-andar ng bus na sinasakyan namin ay napansin kong biglang naglabas ng mga cellphone at camera ang mga kasakay namin. Ang iba sa kanila ay nakarungaw sa bintana, nakirungaw na rin ako.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kita. Hindi ko alam kung tinitignan mo rin ba ako. Ayokong pumaling ng tingin, gusto kong namnamin ang saglit na kaligayahang hatid ng pagtitig sa iyo. Matagal ko itong pinangarap, mula pagkabata pa lang, ang makita ka. Pinigil ko ang luhang nagnanais lumabas dahil sa labis na kaligayahan.
Inilabas ko ang cellphone ko, mula sa pagkakarungaw sa bintana ng umaandar na bus ay kinuhanan kita ng litrato. Hindi man kita nakita ng malapitan, sapat na sa akin ang makita ng personal ang taglay mong kagandahan.

kuha ko gamit ang mumurahin kong cellphone (credit to me)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento