Huwebes, Oktubre 11, 2018

TULAy (tulang mahalay)



Unang tula: Tanggap ka na diwata


Gusto mo bang ma’luklok sa paraisong ito?

‘Wag mo nang iabot puting dahong dala mo.

‘Di kailangan ang talang inilalahad nito.

Ipasa lang ang pagsusulit nang maging diwata ko.


Hubarin ang balahibong tumatakip sa’yo.

Ilantad ang balbon sa mga mata ko.

Pagsawain sa tanawing aking pinakagusto,

sa matayog na bundok at karagatan mo.


Hayaang akyatin ko, perpekto mong bundok.

Maglaro’t magpakasawang marating ang tuktok.

Magpapakasanggol, ngungudngod, lulugmok

sa mapagpalang kalikasang sagot sa himutok.


Pagbigyan mo rin dapat na aking maarok,

lalim ng ‘yong dagat nais kong masubok.

Basain mo ng tubig na pamawi ng sinok,

gamot sa pagkauhaw at pagnanasang marupok.


Gusto mo bang ma’luklok sa paraisong ito?

Oo lang ang sagot, alam kong gusto mo.

Titihaya ka lang, iindayog ako.

Tanggap ka na sa trabahong pinapangarap mo.




Ikalawang tula: Daga


“Ineng, ilang taon ka na?”

“Walo po.”

“Nakakita ka na ba ng kakaiba?”

“Hindi pa po.”

“Mayroon akong dagang walang mata.”

“Talaga po?”

“Kung gusto mong makita’y sumama ka.”

“Sige po.”

“Nandito na tayo, isasara ko lang ang pinto.”

“Bakit po?”

“Mahiyain ang alaga ko’t baka magtampo.”

“Ganoon po?”

“Ilalabas ko na, kailangan mong mangako.”

”Ng ano po?”

“’Wag mong ipagsasabi kahit kanino.”

“Sige po.”

“Heto’t pagmasdan, hindi ba’t kay amo?”

“Opo.”

“Sige’t hawakan, mabait ito.”

“Gan’to po?”

“Ganyan nga’t pisilin nang matuwa siya sa’yo.”

“Bibilisan ko po.”

“Teka ineng, bakit alam mo?”

“’’Yung daga ni Itay, ginagan’to ko rin po.”




Ikatlong tula: Masamang dila


Anong ibig sabihin ng sinabi mo sa’kin?

Na gusto mong masilayan, rosas kong lihim.

Wala akong hardin o kahit tanim,

wala akong bulaklak na gusto mong amuyin.


Anong ibig sabihin ng iyong ‘nilitanya?

Na gusto mo ‘kong tikman, malaman ang lasa.

‘Di naman ako tinapay na may mantikilya

para iyong dilaan, nakapagtataka.


Anong ibig sabihin ng iyong ‘sinambit?

Na gusto mong lamasin papaya kong bitbit.

Sadyang bumubukol sa aking damit

at wala kang sasayangin kahit saglit.


Anong ibig sabihin ng iyong ‘binigkas?

Na gusto mong sipsipin matamis kong katas.

‘Di naman ako pulot o masabaw na prutas

na sinasabi mong magbibigay lakas.


Anong ibig sabihin ng iyong ‘binulong?

Na gusto mong angkinin ang taglay kong tahong.

Gagamitin mo lang ay matigas mong talong.

Nakakalito, gusto kong magtanong.

  
Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 10




















Si Kuku kuneho at ang di-kabit niyang gulong



“’Nay, gusto ko pong sumali sa paligsahan sa susunod na linggo.” humahangos na tinig ng batang kunehong si Kuku sa inang nagsasalansan ng mga gulay sa imbakang gawa sa pinagdikit-dikit na tuyong tangkay ng halaman sa kanilang munting lungga.

Sa susunod na linggo na kasi ang paligsahan. Ang mananalo’y gagantimpalaan ng magagandang ani ng karot.

“Talaga anak?” masayang tugon ng inang kuneho.

“Opo ‘nay, araw-araw po akong nageensayo.” Pumusisyon itong tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.

“Hahaha.” Walang humpay na tawa ng kunehong ina dahil sa pagkatuwa sa kanyang anak. Kumuha pa ito ng kalahating repolyo at ibinigay kay Kuku. “’Yan, para mas bumilis ka.” Nakangiti nitong dugtong.

“Pero ‘nay, sana ay payagan nila akong makasali.” Sabay kagat sa repolyong hawak at yumuko. Halata sa tinig ang lungkot.

Tinitigan ng inang kuneho ang kanyang anak. Sobra ang pagkaawa niya rito sa mga pagkakataong katulad nito. Alam niyang malusog at malakas ang pangangatawan nito dahil hindi niya ito pinapabayaan sa pagkain. Ito rin ang palagi niyang katulong sa pag-ani at pagbubuhat ng mga gulay.

Bahagyang bagsak ang kaliwang unahang bahagi ng katawan nito dahil putol ang kaliwang unahang paa. Ganoon na ang kundisyon ng anak niya mula nang isilang. Kulang ng isang paa ngunit may hita namang paminsan-minsang sumasayad sa lupa kapag laglalakad.

“’Wag kang mag-alala anak at kakausapin ko ngayon din ang mga pinuno para payagan kang makasali.” pinilit ng inang kunehong ngumiti sabay kiskis ng pisngi sa pisngi ng anak bago lumisan.

“Salamat po ‘nay.” Bulong ng bata habang nakatitig sa inang paalis.


 *******


 Sa loob ng pinakamalaking lungga ay kaharap ng ina ni Kuku ang tatlong pinakamataas na pinuno. Bawat isa’y nakapatong sa batong ikinorteng higaan. Sa Kaliwang bahagi ng nakahilerang higaa’y may malaking bodega ng mga inimbak na gulay na nakalaan para sa taggutom.

“Ano? Gusto mong pasalihin ang anak mo sa paligsahan?” natatawang sambit ni pinunong Olgo, nakapatong sa batong nasa gitna. Meron itong piring sa kaliwang mata.

“Hahahahaha.” sabay ding nagtawanan ang dalawang pinuno. Si pinunong Miko, uutal-utal magsalita dahil maiksi ang dila at si pinunong Lorano, palaging inihaharap ang kanang tainga kapag nakikipag-usap dahil mahina na ang pandinig ng kaliwa.

“Gusto yata niyang maging katawa-tawa ang paligsahan. Hahahaha.” sabat ni pinunong Loranong sinabayan pa ng tawa habang inihaharap ang tainga sa pinunong nasa gitna.

“Hahaha.” tawa na lamang ang nagawa ni pinunong Miko dahil mas madaling tumawa kesa magsalita.

“Nakikiusap po ako, pasalihin niyo na po ang anak ko!” pagmamakaawa ng ina.

“Pero kulang ang paa ng anak mo. hahahaha” sagot ni pinunong Olgo sabay muling tumawa.

“Gagawa po ako ng paraan. Parang awa niyo na po.” Sambit ng mangiyak-ngiyak na ina.

“Siya siya, sa susunod na linggo’y ipakita mo sa amin kung anong paraang sinasabi mo at saka kami magdedesiyon kung pasasalihin namin ang anak mo. Tandaan mo, ayokong mapahiya sa panauhing pangdangal na si Tandang Marso kuneho.” Sumeryoso ang muka ng tatlong pinuno.

Sa sinabi ng huli ay umaliwalas ang mukha ng ina ni Kuku, nagpasalamat ito sa mga pinuno bago tuluyang nilisan ang lugar.


*******


Isang umaga bago ang araw ng paligsahan ay naabutan ni Kuku kuneho ang kanyang ina sa kanilang lunggang may ginagawang bagay. Inilapag niya ang mga tangkay ng kangkong na may malalagong dahong bitbit niya at lumapit dito.

“’Nay, ano po iyan?” tanong ng batang kuneho kasabay ng kanyang pag-upo sa harap ng ina.

“Ito ang gagamitin mo anak para payagan kang makasali sa paligsahan bukas.” Nakingiting sambit ng kanyang ina na kakikitaan ng pag-asa.

Hindi na nagtanong pa si Kuku, sa halip ay nakangiting pinanood ang ginagawa ng ina.

Isang pinatuyong buto ng sinigwelas ang ikiniskis ng kanyang ina sa bato. Nang masiguradong makinis na’y tinusukan sa gitna ng manipis na tangkay ng kawayan. Ang dulo ng tangkay ay may nakatali ring iba pang tangkay na mahahalatang ikinorteng pabilog para maisuot.

“Halika anak, subukan mo na.” nakangiting bigkas ng ina habang tinatapik-tapik at iginugulong-gulong ang bagay na ginawa niya.

Agad lumapit ang bata, base sa itsura ng bagay na iyon ay tila alam na niya ang gagawin. Isinuot niya ang kanyang hitang walang paa sa tangkay na korteng pabilog na tumigil pagdating sa kanyang dibdib.

“Ang galing, kumportable po sa pakiramdam.” masayang tinig ng bata habang pabalik-balik sa paglakad gamit ang bagay na ginawa ng kanyang ina.

“Sige na anak, lumabas ka na at mag-ensayo sa pagtakbo.” masayang tinig ng kanyang ina.

Lumapit siya sa kanyang ina, ikiniskis ang pisngi sa pisngi nito at masayang lumabas ng lungga.


*******


Sobrang saya ni Kuku dahil sa bagay na suot niya. Mas mabilis na ngayon ang kanyang pagtakbo. Tatlong paa lang ang ginagamit niya at ang bagay na suot niya ang siyang gumugulong kapalit ng putol niyang paa. Pakiramdam ng batang kuneho ay wala siyang kapansanan.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagtakbo ay may nakasalubong siyang matandang kunehong nakatayo sa tabi ng karitong may lamang nag-uumapaw na mga karot, tantiya niya’y dalawampung piraso iyon. Mababanaag sa mukha ng matanda ang pagkabalisa habang nakatitig sa isa sa mga gulong ng kariton.

“Bakit po?” tanong ng humihingal na batang kunehong nakitingin na rin sa isang gulong ng kariton na tinitingnan ng matanda.

“Nasira eh, kailangan kong maihatid ito.” baling ng tingin sa mga karot sa kariton.

Napatingin din si Kuku sa mga karot, balik ang tingin sa sirang gulong ng kariton, sa karot ulit, tingin ulit sa sirang gulong ng kariton. Parang nakakita na siya ng katulad ng sirang gulong na iyon. Napatingin siya sa bagay na suot niya, sa sirang gulong ulit at balik sa suot niya.

“Inyo na lang po ito, pamalit diyan sa nasira.” Nakangiting hinubad ang bagay na suot niya, iniabot sa matanda at paika-ikang naglakad palayo.

Naiwan ang matandang nakatitig sa kaawa-awang batang kuneho.


*******


Kinabukasan, araw ng paligsahan.

Nakahilera ang mga batang kuneho sa lugar malapit sa pinakamalaking lunggang itinakdang pasimula ng paligsahan. Nasa dulo si Kuku.

“Hala, may kasaling tatlo lang ang paa?”

“Sumali pa, mananalo ba ‘yan?”

“Hahaha, dapat nanatili na lang siya sa lungga.”

Sari-saring kutya ang naririnig ng bata. Itinanim niya na lang sa kanyang isip na tatakbo siya para sa inang nanonood.

Mula sa lungga ay lumabas ang tatlong pinuno. Nagpalakpakan ang mga kuneho. Pakaway-kaway ang mga ito bilang pagtugon sa mga nagpapalakpakan.

Itinaas ni pinunong Olgo ang kanyang unahang paa at nagsitahimik ang mga kuneho. Tahimik lang si pinunong Miko dahil hirap magsalita. Itinapat naman ni pinunong Lorano ang kanang tainga kay pinunong Olgo.

Bago magsalita ay nahagip ng tingin ni pinunong Olgo si Kuku sa hilera ng magsisipaglahok.

“Teka, hindi pwedeng sumali ang kunehong kulang ang paa dahil ito’y paligsahan ng pagtakbo.” Matigas na boses ng pinunong may piring sa kaliwang mata. Sumang-ayon naman ang dalawa pa. Nag-ingay ang ibang kuneho bilang pagsang-ayon din.

Hindi na lang sumagot si Kuku bilang paggalang sa mga pinuno at bilang pagtanggap na rin sa katotohanang iba siya sa normal na kuneho. Nakayuko itong umalis mula sa hilera ng mga kalahok at malungkot na tumabi sa kanyang ina.


Mula rin sa lungga ay lumabas si tandang Marso, ang kunehong nagmamay-ari ng malaking taniman at nagbibigay ng libreng gulay na siyang iniimbak sa bodega para sa taggutom.

Habang naglalakad ay mababakas ang galit sa mukha nito. Iba ang itsura nito kumpara sa mga nagdaang taong palaging magiliw sa kapwa kuneho. Lumapit ito sa tatlong pinuno.

“Miko, anong trabaho mo sa taniman ko bago kita ginawang pinuno?” tanong ng matandang kuneho sa matigas na tinig.

“Tagapagbalita po sa inyo kung ano’ng mga nangyayari sa taniman.” sagot ng nakayukong pinuno.

“Tinanggap kita kahit uutal-utal ka sa pagsasalita.” sabay baling sa isa pang pinuno.

“Lorano, anong trabaho mo sa taniman ko bago kita gawing pinuno?”

“Tagapakinig po ng mga kaluskos para magbigay ng babala kapag may panganib.” sabay tapat ng kanang tainga sa matanda.

“Tinanggap kita kahit mahina ang pandinig ng kaliwa mong tainga.” Matigas pa rin ang boses ng matanda sabay baling sa isa pang pinuno.

“Olgo, anong trabaho mo sa taniman ko bago kita gawing pinuno?”

“Tagamasid po sa buo niyong nasasakupan.” Nakayukong sagot nito.

“Tinanggap kita kahit hindi nakakakita ang isa mong mata.” Matigas pa rin ang tinig ng matanda.

“Tinanggap ko kayo sa taniman ko at ginawang pinuno sa kabila ng mga kapansanan niyo. Pero mukhang nakalimutan niyo na iyon. Nakita ko ang nangyari kanina.” Galit pa rin ang matanda.

Napahiya’t tumahimik ang tatlong pinuno gayon din ang ibang kuneho. Lumakad ang matanda papunta sa kariton, binaklas ang isang gulong noon at itinaas.

“Kahapon, may isang batang kuneho ang tumulong sa akin noong nasira ang isa sa mga gulong ng kariton ko. Ibinigay niya ito sa akin gayong alam niyang hindi siya makakalakad ng maayos kapag hindi niya ito suot dahil putol ang isa niyang paa.” pagkasabi noon ay lumapit ang matanda sa kinaroroonan ni Kuku at ng kanyang ina na kapwa lumuluha.

“Ibinabalik ko na ang gulong mo. Malaki ang taniman ko, maaari ka bang maging kanang kamay ko?”


Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 10




















Mga dagli ng pagkabunyag, pag-alala at surpresa


Magazine


Noong umagang iyon ay halos lahat ng lalaking kaklase ko sa ika-apat na baitang ay nagtutumpukan sa likurang bahagi ng silid. Akmang lalapit ako para malaman kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila subalit biglang pasok sa silid ng aming guro. Kanya-kanyang balik sa kanilang upuan ang mga kaklase ko. Nakita ko rin ang mabilis na pagtago ni Boyet ng isang magazine sa kanyang bag, sinenyasan niya akong wag maingay sa pamamagitan ng pagtakip ng hintuturo sa harap ng nguso niya. Nang uwian na ay ipinakita niya sa akin ang magazine ng avon at binuklat iyon sa pahinang makikita ang mga larawan ng babaeng nakasuot lang ng panty at bra. Sabi niya ay iyon daw ang tinitingnan niya kapag nagsasalsal siya. Ipinahiram niya iyon sa akin at isauli ko na lang daw bukas.

Pagdating ko sa bahay ay mabilis akong pumasok sa kwarto ko. Binuklat ang ipinahiram na magazine at ibinaba ang aking salawal. Tinitigan ko ang larawan sa magazine habang nilalaro-laro ang aking manoy nang biglang pumasok ang aking tatay. Kitang-kita niyang hawak ko ang aking matigas na manoy ganoon din ang hawak kong magazine na nakabuklat sa pahinang may mga larawan ng kalalakihang nakabrief lang.



Alala      

                                                
Masaya kong pinagmamasdan ang aking ama at ang kapatid kong lalaking tatlong taong gulang na. Aliw na aliw ang aking amang paliguan ang kapatid ko, mula sa drum ay sumasalok si itay ng tubig gamit ang tabo at siyang ibubuhos sa kapatid ko. Nagtatatalon naman ang kapatid ko sa tuwing nabubuhusan ng tubig na galing sa drum.

Lalapit sana ako upang makisali sa kanilang kasiyahan nang marinig ko ang sinabi ni itay. “Paglaki mo anak, magiging sundalo kang kagaya ko.” Masaya ngunit matigas na tinig nito.

Hindi ko na itinuloy pa ang paglapit sa kanila. Naalala kong bigla ang mga sinabi rin sa akin ni itay tatlong taon na ang nakararaan. “Hayop kang bakla ka. Kung hindi ka magpapakalalaki, papatayin na lang kita.” Lasing at galit si itay noon habang nginungudngod ako patiwarik sa drum na puno ng tubig.

Natagpuan ako ni inay kinaumagahan na wala ng buhay sa loob ng drum. Inilihim ang sanhi ng aking pagkamatay. Pagkalunod.



Surpresa


Nagbibihis ang magkasintahang Camille at Angela sa loob ng dressing room. Kakatapos lang kasi nilang rumampa bilang mga modelo ng isang sikat na brand ng damit. Hindi mahahalata na may relasyon ang dalawa dahil pareho silang babae kung kumilos, parehong mahinhin at babae kung manamit.

“Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Camille sa kasintahan matapos makapagpalit ng damit sabay hawak sa kanang kamay nito.

Hindi umimik si Angela, bagkus ay tinanggal ang kamay ng kasintahan sa pagkakahawak sa kamay niya. Nagpatuloy lang ito sa pagpapalit ng kasuotan.

May kinuha si Camille mula sa kanyang shoulder bag at iniabot sa kasintahan.

Kitang-kita ni Angela ang dalawang guhit sa bagay na iyon na inabot sa kaniya ng kasintahan. Ang kaninang seryosong mukha nito ay napalitan ng matamis na pagkakangiti.

“Salamat babe, magkakababy na tayo.” Bulong ni Angela matapos yakapin ng mahigpit ang kasintahan.

“Para sa iyo, wala akong hindi gagawin babe.” Naluluhang tugon ni Camille habang inaalala ang labag sa loob niyang pakikipagtalik sa dating nobyo para matugunan ang nais ni Angelang magkaanak sila.
  

Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 10




















Hilom


Sa saliw ng awit ng papuri ay pinagmamasdan ko ang misis ko. Nakatayo, nakapikit at waring sinasabayan ng kanyang galaw ang ingay ng tambol at gitara. Sinasabayan ng kanyang bibig ang mga linya ng awit na kinakanta rin ng mga kasabay naming magsimba. Nakataas pa ang dalawang kamay nito habang buong pusong umaawit ng pagpupuri para sa Panginoon.

Sayang nga lang at hindi ko na siya kayang sabayan sa ganoong pagkilos dahil sa kalagayan ko. Ang tanging ginagawa ko na lang ay manalangin, magpasalamat sa Diyos, bantayan at tingnan-tingnan ang tatlong taong gulang naming anak na nakaupo sa kanang upuan na katabi ng upuan ko.

Nakita ko ang kabutihan ng Panginoon kung paano niya binago ang misis ko, kung paano siya gumalaw sa buhay namin at kung paano niya ibinigay ang idinalangin ko noong araw na iyon.


*******


Linggo.

Kagagaling ko lang sa worship service. Ipinagpasalamat ko ang lahat ng biyayang natatanggap ko, ang magandang kita ng water station at ang naipundar kong bahay na kadikit nito. Hiningi ko na rin sa Panginoon na ibigay niya na sa akin ang matagal nang ninanais ng puso ko, ang magkaroon ng kasintahan.

Bumaba ako sa pagkakasakay sa motorsiklong may nakakabit na side car na napipinturahan ng asul na kulay at sinadya para paglagyan ng mga idedeliver na galon ng tubig. Ipinarada ko ito sa tapat ng water station.

Pagbukas ko ng pinto ay isang timbang tubig ang sumalubong sa akin. Basang-basa ang suot kong asul na polo at maong na pantalon.

“Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you.” sabay na pagkanta ng dalawang tauhan ng water station ko. Hawak ni Mark ang cake na inihulmang galon ng tubig na may nakatusok na kandilang may sindi. Hawak naman ni Erik ang timbang pinaglagyan ng tubig na ibinuhos sa akin pagpasok ko ng pinto.

“Magwish ka na kuya Peter.” sambit ni Mark sabay lapit sa akin ng hawak niyang cake.

‘Thank you Lord! Gaya ng taon-taon kong dalangin, kapayapaan.’ sabay ihip sa may sinding kandilang nakatusok sa cake.

“Kuya, ililibre namin kayo. Meron kaming alam na pwede nating icelebrate ang birthday niyo.” sambit ni Erik matapos ibaba ang hawak na timba. Makahulugan pang nagkatinginan ang dalawa sabay tawa.

“Sige sige, sama ako diyan, pero sa isang kundisyon. Ako ang gagastos at hindi kayo.” Pagdidikta ko sabay hiwa sa cake na aming pinagsaluhan.


*******


Kinagabihan.

“Ano kuya? Ayos ba rito?” Tanong ni Erik sa akin sabay kindat kay Mark.

Napakamot na lang ako ng ulo sa ideya ng dalawa. Alam ko namang ito talaga ang pagdadalahan nila sa akin subalit hindi ko lang sila matanggihan. Pagbabayad ko na rin ito sa katapatan nila sa akin bilang tauhan sa negosyo ko. Matagal na akong ulila at wala rin akong mga kapatid kaya naman ang dalawang binatang ito ay mas itinuturing ko nang mga mas nakababatang kapatid kaysa tauhan.

“Sige at umorder na kayo ng gusto niyo.” wika ko sa dalawa habang nagmamasid pa rin sa paligid.

Madilim sa loob ng lugar na iyon. Ang ilaw na nagmumula lamang sa stage ang siyang nagbibigay ng kakaunting liwanag sa mga mesang ang isa ay inuukupa namin. Ang mga dingding at kisame ay may nakasabit na mga patay sinding christmas lights kahit hindi pa naman nalalapit ang pasko. Lihim na lang akong natawa sa sarili ko sa isiping nasa loob ako ng lugar na iyon.

Apat na putahe ang inorder ng dalawa, pancit gisado, crispy pata, kaldereta, inihaw na bangus at isang bucket ng beer. Umorder din ako ng isang tasang kape para sa akin.

Ang mabuti lang sa dalawa ay hindi sila mahilig sa babae. Kuntento na sila sa panonood sa mga nagsasayaw sa stage na paminsan-minsang natatapatan ng liwanag ng spot light ang mga katawang nababalot lamang ng kakaunting tela. Ang palagi nga nilang sinasabi sa akin ay magaganda ang mga nobya nila at mababait pa, walang dahilan para magloko. Pagdating naman sa pag-inom ng alak ay kabisado ko na ang dalawa. Tigtatlong bote lamang ang kaya nilang ubusin at paniguradong mag-aaya na silang umuwi.

Habang hinihigop ko ang mainit na kape sa tasa ay itinuloy ko ang pagmamasid sa paligid. Sa kaliwang bahagi ng stage ay may pintong nahaharangan ng kurtinang paminsan-minsang may mga naglalabasang babaeng naka bikini lang. May lumabas na isa sa kanila, tumayo sa may gilid ng kurtina. Maya-maya’y umakyat ito sa stage at sinabayan ang bawat ritmo ng awiting may malaswang melodya.

Pagtutok ng spotlight sa babaeng iyon ay halos mapaso ang nguso ko dahil sa napalakas kong paghigop ng kape.

“Sarah!” napalakas ata ang pagbigkas ko dahil parehong nakangangang nakatitig sa akin ang dalawa. Dinampot ko ang nangangalahating bote ng alak ni Mark at nilagok ‘yon para maibsan ang bahagyang pagkakapaso ng nguso ko.

Matapos maubos ang mga inorder na putahe at isang bucket ng beer ay nagyaya na ngang umuwi ang dalawa. Iniwan namin ang beerhouse na nasa isip ko ang babaeng nakita kong sumasayaw, ang ex ko.


*******


Kinaumagahan ay balik kami sa trabaho. Tinapos naming hugasan ang mga basyong galong nakolekta noong nakaraang araw. Nilagyan ko ang lahat ng iyon ng tubig at sinelyuhan pagkatapos takpan. Ang dalawa naman ay magkatulong sa pagsasalansan sa mga mayroon nang laman. Nang puno na ang isang kuwarto na pinaglalagyan namin ng mga galong may laman ay ang dalawang motorsiklong may sidecar naman ang siyang pinagkargahan ng dalawa na nakaparada sa labas ng water station.

“Sige kuya, magdedeliver na kami.” Sambit ng dalawa matapos padyakan ang kick start lever ng motor at pisilin ang silinyador para paandarin ito palayo.

Naiwan akong magisa. Pinunasan ko ng basang basahan ang mga metal na aparato ganoon din ang mga tubong nagdudugtong sa mga ito papunta sa gripo. Hinagod ko rin ng basahan ang kabuuan ng lababo para siguraduhing walang mamuong lumot sa mga singit-singit nito.

Matapos maglinis ay nagpunta ako sa kusina ng bahay na kadikit lang ng water station. Nagtimpla ako ng kape at bumalik sa water station. Sa isang sulok ay ang aking mesa at computer. Naupo akong kaharap ng monitor, bumalik sa ala-ala ko si Sarah.

‘Ano’ng nangyari sa kanya?’ tanong ko sa isip.


*******


Nang gabi ring iyon ay dinala ako ng mga isipin ko pabalik sa beerhouse. Umorder ako ng pancit gisado at isang tasang kape.  Habang hinihintay ko ang mga inorder ko ay nagpalinga-linga na ako sa paligid. Isa-isang sinipat ang mga babae roon na parang pinagkaitan ng telang maisusuot. Hindi ko makita ang hinahanap ko.

Ibinaling ko ang paningin ko sa kaliwang bahagi ng stage kung saan ko siya nakita noong isang gabi. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko habang umaasang iluluwa siya ng nakatabing na kurtina sa pinto. Ilang minuto na pero wala pa rin.

Dumating ang pangalawang tasa ng kape. Nagpalit ng musika ang lugar. Di ko na napansin ang paglabas ni Sarah mula sa pintong nahaharangan ng kurtina. Katulad kagabi ay sinasabayan niya nanaman ang mabagal na tugtugin ng mahalay na musika. Di ko malaman kung ano ang unang gagawin, titigan ang mainit na tanawing nasasaplutan lamang ng kapirasong tela o higupin ang umuusok na kape dahil sa init nito. Pinagsabay ko na lang.

Kalahating oras na ang nakakalipas pero hindi na siya muling sumayaw, hindi ko rin siya makita sa paligid. Pinagpapalit-palit ko na ang tingin sa bawat babaeng nakaupo sa tabi ng ibang customer. Pilit inaaninag ang mukha ng mga ito sa kabila ng kakaunting liwanag. Pero wala talaga siya.

Hanggang sa may kumalabit sa likod ko.

“Wala kang kasama?” tinig mula sa isang babae, pamilyar ang boses.

Lumingon ako para piliting aninagin ang mukha nito.

“Sarah!” naibigkas ko habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko na masyadong pinagmasdan ang katawan nitong kapirasong tela lang ang tumatakip. Mas pinilit kong sa mukha tumitig para kumpirmahing siya talaga ang ex ko.

“Pwedeng makiupo?” dugtong nito sabay upo sa upuan, katabi ko.

“Sarah!” sa mga oras na iyon ay pangalan niya lang ang kaya kong banggitin. Tila naubos ang mga salitang alam ko.

Itinaas nito ang kanang kamay. Lumapit ang nakaitim na lalaking kaninang naghatid ng mga inorder ko. Mayroon na itong dalang dalawang bote ng beer. Bawat bote ay may nakabalot na tisyu sa leeg.

“Ano? Tititigan mo lang ako?” sabay dampot nito sa isa sa mga bote at agad na kinalahati ang laman noon.

Nilagok ko ang natitirang kape sa tasa, saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.

“Anong nangyari?” alam kong alam niyang ang tinutukoy ko ay kung bakit napunta siya sa ganitong sitwasyon. Mahahalata niya iyon dahil sa pagkakakunot ng noo ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Natapos ang gabing iyon na ako ang nagkwento sa kanya. Nakalimang tasa ako ng kape, nakasampung bote siya ng beer nang hindi nalalasing.


*******


Mula noon ay ginabi-gabi ko na ang pagpunta sa beerhouse. Sinisigurado kong wala siyang ibang uupuan bukod sa mesang uukupahin ko. Ganoon palagi ang nagiging sistema, ako ang magkukuwento at makikinig lang siya. Makakaubos siya ng ilang bote ng beer at kape naman ang akin bago ako umuwi.

Nalaman ng dalawa kong tauhan ang palagi kong pagpunta sa beerhouse at wala akong narinig na masama mula sa mga ito. Ikinuwento ko rin ito sa pastor namin sa simbahan bago kami magsimulang magbible study. Nang matapos na ay ipinatong ni pastor ang kamay niya sa balikat ko. Idinalangin niyang gamitin ako para maging instrumento sa ibang tao para makilala ang Diyos.


******


Gabi sa beerhouse.

“Sarah, Sa linggo, pwede ka ba?” tanong ko sa kanya sabay mabilis na higop sa tasa ng kape.

“Andito lang naman din ako pag linggo.” Sagot niya sabay tungga sa bote ng beer.

“Ibig kong sabihin, labas tayo, date, ganun.” Nahihiya kong pagkakasabi kaya tininidor ko na lang ang pansit gisado na nasa plato sabay subo nito.

Hindi siya sumagot. Inisip ko na baka ayaw niya kaya gaya ng mga naunang gabi ay nagkwento na lang ulit ako. Nakakaapat na tasa na ako ng kape, nakakaanim na bote na siya ng beer nang magbayad ako at magpaalam para umuwi.


*******


Linggo ng umaga.

Abala na kaming tatlo ng aking mga tauhan sa paglalagay ng tubig sa mga basyong galon at pagsasalansan nito nang marinig ko si Mark.

“Kuya, may naghahanap sayo.” Sigaw nito habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga galon sa sidecar ng motorsiklo sa labas ng water station.

Agad akong lumabas at nakita ko si Sarah na nakaitim na tshirt, maong na pantalon at rubber shoes. Mas maganda ito sa liwanag kesa sa mga gabing nakakausap ko siya sa beerhouse na kakaunting ilaw lang ang tumutulong sa akin para masdan siya. Hindi pa rin kumukupas ang morenang kagandahan nito, bilugang matang may makapal na pilik, maliit pero matangos na ilong at tikwas na labi. Wala siyang make up noong umagang iyon. Nakaramdam nga lang ako ng awa dahil malaki ang ipinayat nito kumpara noong kami pa.

“Sarah?” tanging pangalan niya lang ang naibigkas ko.

“Kala ko ba lalabas tayo?” tanong nitong pilit ang pagkakangiti na pinalambing ang boses. Ganoong-ganoon din siya magsalita noong kami pa.

“Pasok ka muna!” aya ko sabay senyas para ituro ang pinto ng water station na kailangan niyang pasukan para makapasok din sa bahay.

“Hindi na, hintayin na lang kita rito sa labas.” Pilit pa rin ang ngiti nito.

“Oh sige sige, sandali lang.” pagkasambit ay mabilis akong nagtungo sa banyo para maligo at magbihis. Paglabas ko ay basa pa rin ang buhok kong hindi napunasang maigi.

“Tara na?” sambit ko matapos sumampa sa isang motorsiklong may nakakabit na sidecar na wala pang nakalagay na mga galon.

“Diyan?” turo ni Sarah sa nakakabit na side car.

“Hindi diyan. Dito sa likod ko.” Turo ko sa likod ko. Ngumiti ito sabay sampa na rin sa motor.

Pinadyakan ko ang kick start lever at nang mabuhay ang makina ay nagpaalam ako sa dalawa bago ko pasibatin ang motorsiklo.


“Saan tayo pupunta?” tanong niya sa akin habang nakakapit sa laylayang gilid ng damit ko at umaandar ang motor.
“Basta.” Nakangiti kong sagot habang panay ang piga sa silinyador ng motorsiklo.


*******


“Andito na tayo.” Sambit ko habang inaalalayan siya pababa ng motorsiklo.

Nang makababa ay minasdan niya ang paligid. Maraming tao na ang naglalakad papasok ng simbahan.

“Tara na.” sambit ko habang nakangiti.

Tahimik lang siya, hindi natitinag sa kinatatayuan at nakatitig lang sa akin. Halata sa mukha niya ang kabalisahan.

“Akong bahala.” Sabay hawak sa kamay niya. Magkasabay kaming pumasok ng simbahan.

Nagsimulang tumugtog ang gitara, sinabayan pa ng tambol at ng tambourine na isinasaliw sa awit ng papuri.

“Purihin ang panginoon. Ibigay natin ang lahat sa kanya. Ipanalangin natin sa kanya ang mga imposibleng bagay dahil walang imposible para sa Panginoon.” Tinig ni pastor sa mikropono na punong-puno ng pagasa.

Kasabay ng pagbuhos ng pagpapala para sa mga taong nagsisipag-awit ng papuri ay bumuhos din ang luha ni Sarah. Parang batang humahagulgol, pilit pinupunasan ng palad ang di matapos-tapos na pagtulo ng luha.

Lumapit ako ng bahagya at niyakap siya. Gumanti rin siya ng yakap. Ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko sa bandang dibdib kung saan nakangudngod ang mukha niya.


******


Gabi na ng matapos ang mga gawain sa simbahan. Sinamahan niya ako sa maghapong iyon hanggang makauwi. Sarado na ang water station ng iparada ko sa harap nito ang motorsiklo. Pagbaba namin ay tinanggal ko ang susi ng motor na siyang pinagkakabitan din ng susi ng pinto ng water station.

“Kape?” sambit ko sa kanya nang mabuksan ko ang pinto. Nagpaunlak naman ito at pumasok kami sa loob, itinuro ko ang mesa kung saan ako palaging umuupo. Pumasok ako sa pintong patungong kusina at nagtimpla ng dalawang tasang kape at inihatid iyon sa kanya, tig-isa kami.

“Ok ka lang?” tanong ko sabay higop ng mainit na kape.

“Bakit ang bait mo pa rin sakin? Iniwan kita noon ah.” Tanong din niya sa malungkot na tinig habang nakatitig lang sa tasa ng kape.

“Kung hindi mo ko iniwan dati, hindi ko makikilala si Lord. Tinanggal niya ang lahat ng sakit at lungkot sa puso ko at noong nakaraang birthday ko, kinausap ko siya na handa na ulit ako. Ibigay niya na yung para sa akin. Wala siyang ipinakilalang bagong babae sa akin pero mayroon siyang ibinalik.” Nakangiti kong paliwanag habang nilalaro ng daliri ko ang hawakan ng tasa.

“Ako ba ‘yung ibinalik niya sayo?” tanong niya sabay tingin sakin.

“Oo.” Tumamis lalo ang ngiti ko.

“Nang ganito ang kalagayan ko?” balik siya sa pagkakayuko.

“Wala akong pakialam.” Sagot ko.

“Pokpok ako.” Nakayuko pa rin siya.

“Eh ano naman?” nilambingan ko ang tinig ko para iparating sa kanyang tanggap ko iyon.

“May AIDS ako.” Pagbigkas niyang iyon ay nagsimula nanaman ang paghagulgol niya kagaya kanina sa simbahan. Parang batang nasaktan sa pagkakadapa at hindi kayang patahanin sa pamamagitan ng salita lamang.

“Sa rami ng nakatalik ko, hindi ko na alam kung kanino ko ito nakuha. Medyo malakas pa ako ngayon, pero di magtatagal ay manghihina rin ako. Magiging pabigat lang ako sa’yo. Ang mas masama pa, pwede kang mahawa sa akin.” Paliwanag niya pa sa pagitan ng paghagulgol at paghikbi.

Di ako sumagot. Lumipat ako sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. Sumubsob siya sa dibdib ko. Naramdaman ko rin ang diin ng ganting yakap niya sa akin. ‘Di niya kailangan ng awa sa sitwasyon niyang iyon bagkus ay pagmamahal. At kayang kaya kong ibigay ‘yon.

“Naipapasa ba ang AIDS sa paghalik?” Tanong ko nang maramdamang humupa na ang paghagulgol niya.

Nag-angat siya ng mukha para tingnan ako pero hindi pa rin natatanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Bahagya siyang ngumiti sabay iling.

Pinunasan ko ng palad ang magkahalong luha at sipon sa mukha niya at binigyan siya ng isang matamis na halik.


*******


Ikinasal kami. Naging magkatuwang sa pamamalakad ng water station na nagkaroon na ng lima pang branches na ang dalawa ay pinamamahalaan ni Mark at Erik na parang mga kapatid ko na. Ang sabado’t linggo naman namin ay inilalaan naming mag-asawa sa mga gawaing pangsimbahan para tumulong.

Nagdalang tao si Sarah at isinilang ang anak naming si Ezekiel. At noong ipasuri namin ang kalusugan niya at ng aming anak ay binigla kami ng isang mgandang balita. Malaya na ang misis ko sa sakit na AIDS, hindi rin namana ng anak ko ang sakit.

Naalala ko ang sinabi ni pastor noong unang beses kong dalhin ang misis ko sa simbahan. “Purihin ang panginoon. Ibigay natin ang lahat sa kanya. Ipanalangin natin sa kanya ang mga imposibleng bagay dahil walang imposible para sa Panginoon.”

Ibinigay ng Panginoon ang lahat ng ipinanalangin ko. At kung ano pa man ang ibibigay niya sa akin ay buong puso kong tatanggapin at walang hanggan siyang pupurihin.


*******


Sa saliw ng awit ng papuri ay pinagmamasdan ko ang misis ko. Nakatayo, nakapikit at waring sinasabayan ng kanyang galaw ang ingay ng tambol at gitara. Sinasabayan ng kanyang bibig ang mga linya ng awit na kinakanta rin ng mga kasabay naming magsimba. Nakataas pa ang dalawang kamay nito habang buong pusong umaawit ng pagpupuri para sa Panginoon.

Sayang nga lang at hindi ko na siya kayang sabayan sa ganoong pagkilos dahil sa kalagayan ko. Ang tanging ginagawa ko na lang ay manalangin, magpasalamat sa Diyos, bantayan at tingnan-tingnan ang tatlong taong gulang naming anak na nakaupo sa kanang upuan na katabi ng upuan ko.

Lumapit sa kinauupuan ko si pastor. Ipinatong nito ang kanang kamay sa ibabaw ng ulo ko at hawak sa kabila ang mikropono.

“Panginoon, kayo po ang parehong Diyos na nagpagaling na ng maraming sakit sa mundo. Dalangin po naming pagalingin mo ang kapatid naming si Peter sa kanyang karamdaman. Naniniwala at nagtitiwala kaming walang imposible sa iyo Panginoon.”

Nanghihina na ang bagsak kong katawan, tanging mata na lang ang kaya kong igalaw. Pumikit ako at sumabay sa panalangin ni pastor taglay ang pananampalatayang walang imposible sa Panginoon.


Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 10




















Depressed ‘yon, ano ang lunas?



Kahit hindi manggagamot o taong nakapag-aral ng medisina, basta makakita o makasalamuha tayo ng mga taong hirap ngumiti, bagsak ang balikat at parang pasan ang lahat ng problema ng mundo ay isa lang ang pumapasok sa isip natin. Malamang na depressed ‘yon.

Base sa mga napapanood ko sa telebisyon, nababasa sa kung saan-saan (libro, internet, magazines, flyers na ipinamimigay sa mga ospital at barangay etc.). Ang depresyon ay isang sakit sa pag-iisip o estado ng isang tao kung saan nagiging mababa ang pagtingin niya sa sarili. Nawawalan ng gana sa mga bagay-bagay na nakapagpapasaya sa kanya, na rati niya namang ginagawa. Pinapanawan ng kumpiyansa at pag-iisip ng kahalagahan ng sarili. Iniisip na patuloy pa rin namang iikot ang mundo, tatakbo ang oras at gagalaw ang mga bagay-bagay kahit wala siya.



Mga awit 38:6
Ako’y nahirapan at akoy nahukot; akoy tumangis buong araw.
Walang sinumang tao ang nagnais na maluklok sa depresyon. Sino ba naman ang gugustuhing makaramdam ng araw-araw na parang pinahihirapan siya ng mga problema o isiping palaging nakadagan sa magkabilang balikat niya? Dahilan para itago ang sarili at ‘wag nang magpakita sa mundo, magmukmok at araw-araw umiyak.


Mga taga-Roma 8:22
Sapagkat nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam ng may kahirapan na kasama natin ngayon.
Gayon pa man, na kahit hindi natin gustuhin ay walang pinipili ang sakit na ito. Mayaman, mahirap, matanda, bata at kahit anong kasarian, basta may problema ka ay pasok ka na sa pamantayan para maikonsiderang posibleng makaranas nito. Sino bang tao ang walang problema? Kung mayroon man ay baka pinoproblema niya ang kawalan noon.



1 Samuel 1:10
At siya’y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa at tumangis ng mainam.
Pero papaano kung sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ikaw ang isa sa napakaswerteng malasin para makaramdam ng ganitong uri ng sakit. Iiyak ka ba? O mas magandang katanungan ay iiyak ka na lang ba?
Hindi? Walang masama sa pagiyak.
Oo? Mabuti ‘yan, pero mas makabubuti kung sasabayan natin ng panalangin ang bawat paghikbi natin. Kausapin natin ang Panginoon araw-araw, isumbong natin na pinagmamalupitan na tayo ng mundo at isa-isahin sa kanya ang mga pinoproblema natin. At pagkatapos nating umiyak at magsumbong ay ipagpasalamat naman natin ang mga problemang hindi natin pinoproblema.


Mga Hebreo 13:15
Sa pamamagitan nga niya ay maghahandog tayong palagi ng hain ng papuri sa Diyos, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kanyang pangalan.
May libreng gamot sa kalungkutan, natural ito at literal na walang sangkap na kemikal, ang musika. May kakayahan itong pagaanin ang mabigat na bagay na iniisip mo. Kaya nitong pakalmahin ang mga problemang nagsusuntukan sa loob ng iyong pusong nagpapaligsahan kung sino sa kanila ang pinakamalakas na makapagpapabagsak sa iyo. May kapangyarihan ang liriko, nota, himig, melodya at ritmo para pahinain ang mga problemang iyon. At kung may kapangyarihan talaga sila, siguradong mas may kapangyarihan ang musikang nagsasaad ng kadakilaan ng Diyos, mga awiting nagpupuri at nagtataas sa kanya. (magbukas ng bagong tab sa iyong browser, pumunta sa youtube.com, hanapin ang kantang THROUGH IT ALL at patugtugin. Halina’t makinig.)


Awit 55:22
Ilagay mo ang iyong mga pasan sa Panginoon, at kanyang aalagaan ka: hindi niya hahayaang makilos kailan man ang matuwid.
Mabigat ang problema ‘di ba? Eh bakit mo pinapasan lahat eh alam mo na ngang mabigat?
May mag-amang nag-igib ng dalawang timba sa may poso at nang mapuno na nila ang mga timba ay nagprisinta ang anak na buhatin ang dalawang timbang puno ng tubig. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay napagod ang anak sa pagbuhat ng mga ito. Nakiusap siya sa kanyang ama na tulungan siya at buhatin ang isang timba. Ang ginawa ng ama ay ipinasan sa kanyang likod ang kanyang anak at parehong binuhat ang dalawang timbang puno ng tubig at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Ganoon tayo kamahal ng Diyos, hinding-hindi nya tayo hahayaan bilang mga anak niya na pasanin mag-isa ang mga problema. Bagkus ay kayang-kaya niya iyong pasanin lahat para sa atin kung magtitiwala tayo sa kanya at ibibigay ang sarili natin sa kanya kasama ang ating mga dalahin.


Mga taga-Filipos 4:4
Mangagalak kayong palagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, mangagalak kayo.
Palaging ninanais ng Panginoon na maging masaya tayo sa lahat ng pagkakataon. Makukuha natin ang tunay na kasiyahang iyon sa pamamagitan ng paglalagay kay Hesus sa mga puso natin. Heto lang yun eh, kapag nasa panig tayo ng Panginoon, anong problema pa kaya ang may kakayahang hilahin tayo papunta sa kalungkutan? Maging masaya tayo dahil mayroon tayong Panginoong siyang dahilan ng bawat kaligayahan sa sanlibutan.



Kawikaan 17:17
Ang mga kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
Sa kabilang dako naman ay may mga taong nabiyayaan ng kakayahang umunawa at paglabanan ang mga problema. Maaari pa rin silang makaranas ng depresyon na hatid ng mga problema subalit minamani lamang nila iyon dahil may nag-iisang Hesus na sa kanilang mga puso. Makikita mo sila sa loob ng iyong bahay, sa katauhan ng iyong mga kapamilya, sa eskwela bilang mga guro at kamag-aral. Sa mga kaibigang patuloy kang sasamahan sa bawat panahon ng iyong buhay. Gagawa at gagawa ng mga mabubuting tao ang Diyos upang akayin ang mga posibleng maligaw ng landas dahil sa depresyong gawa ng problema.


1 mga taga-tesalonica 5:14
At aming ipinamamanhik sa inyo mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga nanggugulo, palakasin ang mga mahihinang loob, alalayan ang mga mahihina at maging mapaghinuhod kayo sa lahat.
Sa kaso ng sakit na depresyong hindi masyadong natututukan ng pamahalaan dahil abala pa sila sa pagbabangayan at paglalahad ng kamalian ng isa’t isa ay mas mainam na kumilos na tayo. Kung isa ka sa naparaan sa blog na ito ay kailangang maniwala ka sa akin, kahit hindi tayo personal na magkakilala, kahit ngayon lang. Pakiusap.
Kung hindi man maging ganap ang suporta ng gobyerno sa usaping ito ay tayo na mismo ang magdesisyon. Magtulung-tulong tayong tulungan ang mga nasa sitwasyong ito. May kakayahan ang demonyong gumamit ng tao, bagay at pangyayari para ilagay sa kasamaan ang ating mga kapwang dumaranas ng depresyon. Kaya’t hayaan nating magpagamit din tayo sa Diyos para tumulong at ipasa ang kalakasan sa mga taong pinahina na ng sakit na ito.



1 Mga taga-Corinto 10:13
Hindi dumating sa inyo ang anumang tukso kundi yaong matitiis ng tao: Datapuwa’t tapat ang Diyos, na hindi niya itutulot na kayo’y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pag-ilag upang ito’y inyong matiis.
Sa konteksto ng bibliya, ang tukso ay nangangahulugan ng pagsubok. Alam ng Diyos ang limitasyon ng bawat tao kung kaya’t hindi niya hahayaang bigyan tayo ng pagsubok o problemang hindi natin kakayanin. Alam ng Diyos kung gaano kasakit, kahirap at kasalimuot ang eksaktong nararamdaman ng tao sa panahon ng pagsubok. Dinanas na niya iyon sa pamamagitan ni Hesus bilang likas na tao, pisikal at mental bago mo pa man ito danasin. Kakayanin natin ang lahat ng pagsubok at problemang nagbubunga ng depresyon. May Diyos tayo eh.


Awit 34:18
Ang panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at iniligtas ang may mga pagsisising diwa.
Kung nanghihina na tayo dahil sa problema at kinasasadlakang depresyon, isipin lang na sa mga oras at panahong mas nanghihina tayo ay doon tayo mas gustong kalingahin ng Panginoon. Palagi nating piliin ang desisyon ng pagtanggap sa kanya bilang Diyos at tagapagligtas kagaya ng naging desisyon niyang iligtas tayo at palaging kalingahin.


Lucas 5:31
At pagsagot ni Hesus ay sinabi sa kanila, ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng mangagamot; kundi ang mga may sakit.
Sa sakit na gaya ng depresyon, may lunas ba?
Ano?
Hindi “ANO?” ang tanong kundi “SINO?”
Walang iba kundi si Hesus, ang Panginoon at manggagamot na nagpagaling na ng maraming sakit. Ang kailangan natin sa pagsugpo ng mga sakit na kagaya ng depresyon.
Kapag natagpuan na ng isang tao ang tunay na kasiyahan sa pamamagitan ni Hesus, hindi na depressed ‘yon.


Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 10





















Lunes, Oktubre 8, 2018

Lord, mahal mo 'ba ko?


Lord, mahal mo ba ‘ko?
Kasi kung mahal mo ‘ko bakit ganito?
Bakit lahat yata ng kamalasan sa mundo nasalo ko.
Bakit nanay ko lang ang nagsasabing gwapo ako.


Kung mahal mo ‘ko Lord, bakit mahirap kami?
Noong bata ako, imbes na tinola, nilaga, sinigang, ang sinasabaw namin sa kanin ay kape.
At ‘pag pumapasok ako sa eskwela, kahit bagong laba ang luma kong uniporme,
mukha pa ring marumi.


Lord, mahal mo ba ‘ko?
Kasi kung mahal mo ‘ko, bakit di ako nakapagtapos?
Palagi kong baon, nilagang dahon ng kamote ‘yong talbos.
Sinasabi ko na lang sa kaklase ko na paborito ko ‘yon pero bibigyan ko siya sabay kurot sa baon niyang manok.


Kung mahal mo ‘ko Lord, bakit ‘di mo ‘binigay ang trabahong gusto ko?
Maging guro, makapagturo sa mga batang gustong matuto.
Pero ayos din naman ang naging trabaho ko.
Nakaitim na sapatos, plantiyadong pantalon, long sleeve may kurbata pa ko. May sukbit pang shotgun saka pito. Tatlong taon naging guwardiya ako.


Lord, mahal mo ba ‘ko?
Kasi kung mahal mo ‘ko, bakit ganito?
Bakit iniwan niya ‘ko kahit ‘di naman ako nagloko?
Bakit hinayaan mong masaktan ako ng ganito?


Kung mahal mo ‘ko Lord, bakit sobrang lungkot?
Puso ko’y nabalot ng takot, poot at pag-iimbot.
‘Di ko kayang buuin wasak kong pusong may kirot.
Lord, mahal mo ba ‘ko? Pakiusap, pakisagot.


Isang gabing maulan, aking binalikan
mga turo ni pastor noong ako’y musmos lang.
Kinuha ang aklat mula sa lalagyan,
Akin ‘tong binuksan sa libro ng Juan.


Ang sabi,


Sapagkat gayon na lamang ang pagibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang ang sinumang sumampalataya sa kanya’y hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.


Lord, nakakahiya.

Sa sobrang kalungkutan, napagdudahan kung mahal mo ba ‘kong talaga.
Itinatanong ang katanungang alam ko naman ang kasagutan mula pa nang umpisa.


Mahal mo ‘ko Lord, kasi kahit ‘pinanganak akong mahirap, meron akong mabuting ina.
Mahal mo ‘ko Lord, kasi kahit mukhang marumi ang suot ko, wala akong narinig na panghuhusga.
Mahal mo ‘ko Lord, kasi pinalaki mo ko sa talbos na masustansiya pala.
Mahal mo ‘ko Lord, kasi mahal na ang kape sa starbucks pero pinagsawaan ko na ‘yong isabaw sa kanin noong ako’y bata pa.
Mahal mo ‘ko Lord, kasi ginawa mo ‘kong guwardiya para protektahan ang iba.
Mahal mo ‘ko Lord, kasi kahit ‘di ako naging guro, may pagkakataon pa rin akong magturo ng iyong salita.
Mahal mo ‘ko Lord, kasi hinayaan mong masira ang puso ko nang ako’y iwan niya.
Mahal mo ‘ko Lord, kasi imbis na buuin mo ito, binigyan mo ko ng bagong pusong mas mabuti kesa sa nauna.


Kung may kayang magmahal ng walang hanggan, ikaw ‘yon Lord, walang iba.
Noong ibigay mo ang anak mo para ako’y maisalba.
Noong pasanin ni Hesus ang krus na dapat ako ang may dala.
Para hugasan ang kasalanan, kailangang mamatay siya.


Sa pagkakataong ito’y gusto kong itaas
ang mga kamay ko, kasabay ng bigkas.
Hesus, Panginoon ko, aking tagapagligtas.
Sagot sa tanong ko’y mahal mo ‘kong wagas.


Lord, mahal din kita.