Magazine
Noong umagang iyon ay halos lahat ng lalaking kaklase ko sa
ika-apat na baitang ay nagtutumpukan sa likurang bahagi ng silid. Akmang
lalapit ako para malaman kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila subalit biglang
pasok sa silid ng aming guro. Kanya-kanyang balik sa kanilang upuan ang mga
kaklase ko. Nakita ko rin ang mabilis na pagtago ni Boyet ng isang magazine sa
kanyang bag, sinenyasan niya akong wag maingay sa pamamagitan ng pagtakip ng
hintuturo sa harap ng nguso niya. Nang uwian na ay ipinakita niya sa akin ang
magazine ng avon at binuklat iyon sa pahinang makikita ang mga larawan ng
babaeng nakasuot lang ng panty at bra. Sabi niya ay iyon daw ang tinitingnan
niya kapag nagsasalsal siya. Ipinahiram niya iyon sa akin at isauli ko na lang
daw bukas.
Pagdating ko sa bahay ay mabilis akong pumasok sa kwarto ko.
Binuklat ang ipinahiram na magazine at ibinaba ang aking salawal. Tinitigan ko
ang larawan sa magazine habang nilalaro-laro ang aking manoy nang biglang
pumasok ang aking tatay. Kitang-kita niyang hawak ko ang aking matigas na manoy
ganoon din ang hawak kong magazine na nakabuklat sa pahinang may mga larawan ng
kalalakihang nakabrief lang.
Alala
Masaya kong pinagmamasdan ang aking ama at ang kapatid kong
lalaking tatlong taong gulang na. Aliw na aliw ang aking amang paliguan ang
kapatid ko, mula sa drum ay sumasalok si itay ng tubig gamit ang tabo at siyang
ibubuhos sa kapatid ko. Nagtatatalon naman ang kapatid ko sa tuwing nabubuhusan
ng tubig na galing sa drum.
Lalapit sana ako upang makisali sa kanilang kasiyahan nang
marinig ko ang sinabi ni itay. “Paglaki mo anak, magiging sundalo kang kagaya
ko.” Masaya ngunit matigas na tinig nito.
Hindi ko na itinuloy pa ang paglapit sa kanila. Naalala kong
bigla ang mga sinabi rin sa akin ni itay tatlong taon na ang nakararaan. “Hayop
kang bakla ka. Kung hindi ka magpapakalalaki, papatayin na lang kita.” Lasing
at galit si itay noon habang nginungudngod ako patiwarik sa drum na puno ng
tubig.
Natagpuan ako ni inay kinaumagahan na wala ng buhay sa loob
ng drum. Inilihim ang sanhi ng aking pagkamatay. Pagkalunod.
Surpresa
Nagbibihis ang magkasintahang Camille at Angela sa loob ng
dressing room. Kakatapos lang kasi nilang rumampa bilang mga modelo ng isang
sikat na brand ng damit. Hindi mahahalata na may relasyon ang dalawa dahil
pareho silang babae kung kumilos, parehong mahinhin at babae kung manamit.
“Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Camille sa kasintahan
matapos makapagpalit ng damit sabay hawak sa kanang kamay nito.
Hindi umimik si Angela, bagkus ay tinanggal ang kamay ng
kasintahan sa pagkakahawak sa kamay niya. Nagpatuloy lang ito sa pagpapalit ng
kasuotan.
May kinuha si Camille mula sa kanyang shoulder bag at
iniabot sa kasintahan.
Kitang-kita ni Angela ang dalawang guhit sa bagay na iyon na
inabot sa kaniya ng kasintahan. Ang kaninang seryosong mukha nito ay napalitan
ng matamis na pagkakangiti.
“Salamat babe, magkakababy na tayo.” Bulong ni Angela
matapos yakapin ng mahigpit ang kasintahan.
“Para sa iyo, wala akong hindi gagawin babe.” Naluluhang
tugon ni Camille habang inaalala ang labag sa loob niyang pakikipagtalik sa
dating nobyo para matugunan ang nais ni Angelang magkaanak sila.
Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 10
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento