Unang tula: Tanggap
ka na diwata
Gusto mo bang
ma’luklok sa paraisong ito?
‘Wag mo nang iabot
puting dahong dala mo.
‘Di kailangan ang
talang inilalahad nito.
Ipasa lang ang
pagsusulit nang maging diwata ko.
Hubarin ang
balahibong tumatakip sa’yo.
Ilantad ang balbon sa
mga mata ko.
Pagsawain sa tanawing
aking pinakagusto,
sa matayog na bundok
at karagatan mo.
Hayaang akyatin ko,
perpekto mong bundok.
Maglaro’t
magpakasawang marating ang tuktok.
Magpapakasanggol,
ngungudngod, lulugmok
sa mapagpalang
kalikasang sagot sa himutok.
Pagbigyan mo rin
dapat na aking maarok,
lalim ng ‘yong dagat
nais kong masubok.
Basain mo ng tubig na
pamawi ng sinok,
gamot sa pagkauhaw at
pagnanasang marupok.
Gusto mo bang ma’luklok
sa paraisong ito?
Oo lang ang sagot,
alam kong gusto mo.
Titihaya ka lang,
iindayog ako.
Tanggap ka na sa
trabahong pinapangarap mo.
Ikalawang tula: Daga
“Ineng, ilang taon ka
na?”
“Walo po.”
“Nakakita ka na ba ng
kakaiba?”
“Hindi pa po.”
“Mayroon akong dagang
walang mata.”
“Talaga po?”
“Kung gusto mong
makita’y sumama ka.”
“Sige po.”
“Nandito na tayo,
isasara ko lang ang pinto.”
“Bakit po?”
“Mahiyain ang alaga
ko’t baka magtampo.”
“Ganoon po?”
“Ilalabas ko na,
kailangan mong mangako.”
”Ng ano po?”
“’Wag mong ipagsasabi
kahit kanino.”
“Sige po.”
“Heto’t pagmasdan,
hindi ba’t kay amo?”
“Opo.”
“Sige’t hawakan,
mabait ito.”
“Gan’to po?”
“Ganyan nga’t pisilin
nang matuwa siya sa’yo.”
“Bibilisan ko po.”
“Teka ineng, bakit
alam mo?”
“’’Yung daga ni Itay,
ginagan’to ko rin po.”
Ikatlong tula: Masamang
dila
Anong ibig sabihin ng
sinabi mo sa’kin?
Na gusto mong
masilayan, rosas kong lihim.
Wala akong hardin o
kahit tanim,
wala akong bulaklak
na gusto mong amuyin.
Anong ibig sabihin ng
iyong ‘nilitanya?
Na gusto mo ‘kong
tikman, malaman ang lasa.
‘Di naman ako tinapay
na may mantikilya
para iyong dilaan,
nakapagtataka.
Anong ibig sabihin ng
iyong ‘sinambit?
Na gusto mong lamasin
papaya kong bitbit.
Sadyang bumubukol sa
aking damit
at wala kang sasayangin
kahit saglit.
Anong ibig sabihin ng
iyong ‘binigkas?
Na gusto mong
sipsipin matamis kong katas.
‘Di naman ako pulot o
masabaw na prutas
na sinasabi mong
magbibigay lakas.
Anong ibig sabihin ng
iyong ‘binulong?
Na gusto mong
angkinin ang taglay kong tahong.
Gagamitin mo lang ay matigas
mong talong.
Nakakalito, gusto
kong magtanong.
Ito ay lahok sa
Saranggola Blog Awards 10
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento